Martes, Mayo 21, 2013
Love without ceasing a Testimony
Purihin ang Panginoon!!! Ngayon at magpakailanman!!!
Sa mundong ating ginagalawan, napakahirap makahanap ng mga patunay na mayroon pa ngang tunay na pag-ibig. In our world today, a world full of secularism the so called "TRUE LOVE" is very hard to see and very hard to find. Sometimes for Catholics we only see true love by means of looking at the Crucified Christ, where God's love was expressed to us in a bloody yet loving way. But here is a proof (I've got this from St. Francis and St. Clare of Assisi facebook page) A mother (97 years old), still feeding and taking care of her paralyzed son (60 years old) everyday for more than 19 years. This picture was taken from China. Love without ceasing. The only way to see the fulfillment of love, the only way to know if one's love is bearing fruit if it know's how to die, if it know's how to forget one's self. Love is a sacrifice! Ang pag-ibig at ang umiibig ay handa dapat na mamatay. Mamatay sa sarili, kalimutan ang sarili para sa iba. Yun ang ginagawa ng Panginoon. Just like this mother shown in the picture, walang sawang umibig. Pero let us try looking at this picture:
Ito yung Diyos na hinubad ang kanyang pagka-diyos para lang sabihin sa tao na "O ito ang aking sarili para sa iyo. Ang aking katawan at dugo para sayo. Ang aking buhay para sayo" Ito yung Pag-ibig na ibibigay ang lahat-lahat kahit na ang ibig sabihin nito ay kamatayan. Ang dinanas niya pa ngang kamatayan ay kamatayan sa krus. Yun ang pinakamalalang paraan ng pagpatay na iginagawad ng mga Romano. Pero napagtagumpayan niya yun dahil sa pag-ibig. Ngayon ang panawagan sa atin: Ibigin natin siya. Hanggang ngayon hindi siya nagsasawang iparamdam ang kanyang pag-ibig sa atin. Nandyan ang mga Sakramento, ang mga Sakramento na kanyang iniwan sa atin ay tanda ng kanyang pag-ibig sa atin, ay tanda ng kanyang patuloy na paggabay sa atin. Sa mga Sakramento? Oo sa Binyag, pinapatuloy niya tayo sa kanyang kawan, sa kanyang pamilya kahit di tayo karapat-dapat. Sa Eyukaristiya, patuloy niyang ibinigay ang kanyang katawan at dugo sa anyo ng tinapay at alak para tayo ay palakasin. Sa Sakramento ng pagbabalik-loob, nandun siya sa kumpisalan, sa kanyang pari, naghihintay at handang magpatawad. Sa Sakramento ng Kasal, patunay lamang na sa bawat relasyon ng mag-asawa nandun siya, handang gumabay at akayin ang mga magka-relasyon. Sa Banal na Orden, patuloy siyang nagpapadala ng mga pastol para pangalagaan ang kanyang mga tupa dito sa mundo. Sa Kumpil, patunay lamang, na patuloy niyang ipinapadala ang kanyang Espiritu para palakasin tayo at ilayo sa kasalanan at kapahamakan. At sa Viaticum, patunay lamang na hanggang sa oras ng kamatayan nandun siya upang magbigay lakas at pabaon sa ating biyahe pabalik sa kanya. At isa pa nasa mga Tabernakulo siya nasa mga Adoration Chapels siya naghihintay sa'yo. kailangan mo nang kausap andun siya, lumapit ka lang. Diba yan ang tunay na pag-ibig. Kagaya nung nanay sa unang larawan at nung Diyos na nakapako sa Krus, yan ang pag-ibig, TUNAY NA PAG-IBIG "TRUE LOVE" Ang panawagan: Handa mo ba din siyang ibigin kagaya ng pag-ibig niya sa'yo? Are you ready to love Him just like the way he has loved you? Pag-ispan natin, pagnilay-nilayan natin, dahil tayo alng ang makakasagot niyan sa ting mga sarili. Kung saan merong pagmamahal nandun ang Diyos. Where there is love there is God.
Jesus I trust in thee!!!
O Mary conceived without sin! Pray for us who have recourse to thee!
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento